DOT: Pagtatayo ng casino sa Boracay hindi na matutuloy

By Den Macaranas April 17, 2018 - 08:38 PM

Inquirer file photo

Hindi na itutuloy ng Galaxy Entertainment Group Ltd. ang pagtatayo ng casino facility sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na dayalogo sa pagitan ng mga kinatawan mula sa Department of Tourism, Interior Department, local government ng Malay, Aklan at mga stakeholders ay sinabi ni DOT Asec. Ricky Alegre na maghahanap na lamang ng ibang lugar ang nasabing grupo.

Welcome development umano ang pag-atras sa Boracay ng Galaxy Group.

Nauna dito ay nakakuha ang Galaxy ng provisional license para sa pagtatayo ng $500 Million integrated casino-resort project sa nasabing isla.

“Galaxy has said they are now looking for another venue. That is very much welcome,” ayon kay Alegre.

Noong April 4 ay inaprubahan ng pangulo ang pagsasara ng isla sa mga turista upang isailalim sa rehabilitasyon na tatagal ng anim na buwan.

Sa ginanap na dalogo kanina ay muling tiniyak ng pamahalaan na mabibigyan ng ayuda ang mga ordinaryong empleyado ng mga resorts at iba pang mga establishemento sa isla.

Taun-taon ang Boracay ay pinupuntahan ng halos ay dalawang milyong mga turista kung saan ay nagpapasok ito ng P56 Billion na kita para sa pamahalaan.

TAGS: aklan, alegra, boracay, Casino, DILG, galaxy, aklan, alegra, boracay, Casino, DILG, galaxy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.