Sa pagdinig ngayong araw, sinabi ni LTFRB Chair Martin Delgra III na hindi tinalakay sa pagdinig noong December 2016 ang singil ng grab sa oras ng byahe.
Nanindigan naman ang Grab na ang P2 na singil sa kada minuto ng byahe ay batay sa Department Order (DO) 2015-11.
Sa naturang kautusan, pinapayagan ang transport netwrok companies na magtakda ng pasahe nang may permiso ng LTFRB.
Gayunman, ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Representative Jericho Nograles, mali ang ginawa ng Grab dahil ang department order na inaprubahang pasahe ng LTFRB sa pagdinig noong December 2016 ay iba sa dagdag na P2 kada minuto na dagdag sinagil ng nasabing app-based transport service.
Si Nograles ang nagsiwalat na kailangan umanong i-refund ng Grab sa riders nito ang P1.8 Billion dahil sa pagsingil ng P2 kada minuto sa nakalipas na limang buwan.
Ayon kay Delgra, pinagpapaliwanag ng ahensya ang Grab Philippines kung bakit nila ipinatupad ito at kung ilang rides ang siningil ng P2 kada minuto.
Nakatakda ang susunod na pagdinig sa usapin sa May 29.