Ilang opisyal ng PNP kakasuhan ng plunder dahil sa nawawalang pondo ng SAF
Sinibak na sa pwesto ang mga opisyal na sangkot sa kontrobersyal na hindi pagbibigay ng subsistence allowance sa mga tauhan ng Special Action Force.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, epektibo ngayong araw, sibak na sa pwesto si Police Director Benjamin Lusad na ngaun ay hepe ng PNP Directorate for Integrated Police Operations sa Southern Luzon.
Damay din sa pagkakatanggal sa pwesto ang iba pang sangkot sa kaso na sina dating PNP-SAF budget and fiscal officer Andre Dizon, at Senior Police Officer 2 Maila Bustamante at Senior Police Officer 1 Jack James Irica.
Paliwanag ni Bulalacao, ginawa ang pagsibak para bigyang pagkakataon ang mga respondent na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Nabatid na nitong Biyernes, plunder at malversation complaints ang isinampa sa Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) ng Ombudsman laban kay Lusad at iba pang opsiyal.
Lumalabas kasi na kabuuang P59.8 Million ang budget na nawala umano sa SAF mula January 2016 hanggang December 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.