Dating Caloocan City mayor abswelto sa kaso ng katiwalian
Inabswelto ng Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri sa kasong graft na kanyang kinakaharap.
Ayon sa 1st Division ng Sandiganbayan, bigo ang prosekusyon na patunayan na guilty si Echiverri sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Pinawalang sala rin ng Sandiganbayan sina dating city accountant Ednan Centeno at dating budget officer Jesusa Garcia.
Kinasuhan ng prosekusyon ng Ombudsman sina Echiverri, Centeno at Garcia ng kasong graft dahil sa pakikinabang umano sa P.B. Grey Construction sa pagsasaayos sa mga kalsada at drainage system sa Phase 6, Green Valley sa Barangay 178 na nagkakahalagang P8 Million.
Bagaman inabswelto na sa naturang kaso si Echiverri, nahaharap pa rin ang dating alkalde sa 43 counts ng graft charges sa Sandiganbayan kaugnay ng P1.4 Billion loan sa Landbank of the Philippines para sa iba’t ibang proyektong imprastruktura ng lungsod.
Naging maanomalya umano ang paggamit ni Echiverri sa P235.65 Million na pondo ng lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.