NFA ibinalik na sa pangangasiwa ng Department of Agriculture
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na si Cabinet Sec. Leoncio Evasco ang tatayong Chairman ng National Food Authority (NFA) Council.
Ito ay matapos magpasya kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa Department of Agriculture ang pamamahala sa NFA.
Sa press conference mula sa Boracay island, sinabi ni Roque na nasa ilalim na rin ngayon ng Department of Agriculture ang Fertizlier and Pesticides Authority at ang Philippine Coconut Authority.
Sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol Manny Piñol na ngayong nasa ilalim na ng kanyang pangangasiwa ang nasabing mga tanggapan ay otomatikong siya na ang tatayong chairman ng konseho.
Inaprubahan na rin aniya ng pangulo ang pag-angkat ng 250,000 metric tons ng bigas.
Aprubado rin aniya ng pangulo ang government to private rice importation scheme.
Nilinaw naman ni Roque na hindi aalisin ang NFA council dahil kinakialangan pang idaan ito sa Kongreso.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na inaprubahan na rin ng pangulo na ibigay o idonate sa NFA ang nakumpismang 27,000 na sako ng bigas sa Zamboanga Sibugay.
Kapag naibigay na aniya sa NFA ang mga smuggled na bigas maaari na itong ibenta sa murang halaga sa mga palengke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.