Kapangyarihan ng DOJ na mag-isyu ng watchlist order, labag sa Saligang Batas ayon sa SC

By Ricky Brozas April 17, 2018 - 01:02 PM

Idineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng watchlist order (WLO).

Ito ay batay sa naging deliberasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa Lungsod ng Baguio.

Sa pamamagitan ng WLO ay pinipigilan ng DOJ na makalabas ng bansa ang isang indibidwal na may kinakaharap na kaso sa piskalya kahit walang court order.

Gayunman, ang WLO ay pansamantalang pinigil ng Korte Suprema noong 2011 nang magpalabas ito ng temporary restraining order laban sa nasabing kapangyarihan ng DOJ.

Nag-ugat ang kaso sa petisyong inihain ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo na kumukuwestiyon sa inisyung watchlist order laban sa kanya ni Dating Secretary Leila de Lima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: department of justice, Supreme Court, Watchlist Order, department of justice, Supreme Court, Watchlist Order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.