Rappler at Vera Files, tinawag na ‘dilawan’ ng Malakanyang

By Chona Yu April 17, 2018 - 12:58 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Tahasang inakusahan ng Malakanyang na mga dilawan ang kinuha ng Facebook na third party checker ng fake news.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maikakaila na lantaran na konta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Vera Files at ang Rappler.

Kasabay nito, hinimok ni Roque ang mga netizens na ipaabot sa pamunuan ng Facebook ang kanilang pagtutol sa pagkuha ng Rappler at Vera Files bilang tagasuri ng mga fake news.

Iginiit pa ni Roque na dito sa Pilipinas, walang makapagsasabi na naging patas ang Rappler at Vera Files.

Hindi maikakaila ayon kay Roque na ang persepyson ng dalawang nabanggit na news organization ay nakukulayan ang kanilang paniniwala.

Lahat aniya ng pabor kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa tingin nila ay fake news at ang inilalabas na balita na para sa kanila ay totoo ay ang mga kontra sa pangulo.

“Pero dito sa Pilipinas, wala pong magsasabi na patas ang Rappler at saka Vera Files. Sila po talaga ay kalaban ng Duterte administration, huwag na po tayong magpaligoy-ligoy pa. Kaya nga po ang kanilang persepsyon kung ano ang katotohanan ay nakukulayan ng kanilang paniniwala. Lahat ng pabor kay Duterte ay sa tingin nila ay fake news at ang ilalabas nilang balita lamang na totoo ay iyong mga laban kay Presidente Duterte,” ayon kay Roque.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: facebook, fake news, rappler, vera files, facebook, fake news, rappler, vera files

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.