42 na SAF members na nasawi sa Mamasapano Maguindanao gagawaran ng Medalya ng Kagitingan ni Pangulong Duterte

INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Matapos ang tatlong taon, gagawaran na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Medalya ng Kagitingan si si Police Chief Insp. Ryan Pabalinas at 41 iba pang miyembro ng Special Action Force ng PNP na nasawi sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.

Inaprubahan ni Duterte ang pagbibigay ng pagkilala sa mga miyembro ng SAF noong February 2017.

Si Pabalinas ay miyembro ng PNPA Class 2006 at nanguna operasyon sa Oplan Exodus laban sa teroristang si Zulkifli Binhir alyas Marwan noong 2016.

Nauna nang nabigyan ng award sina Sr. Insp. Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...