Buwan ng Abril, idineklarang “Filipino Food Month”
Idineklara ng Malakanyang na “Buwan ng Kalutong Pilipino” o “Filipino Food Month” ang buwan ng Abril.
Sa Proclamation No. 469 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, inaatasan ang Department of Agriculture (DA) at ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na pangunahan ang taunang selebrasyon para sa “Filipino Food Month”.
Nakasaad sa proklamasyon na sa ilalim ng 1987 Constitution, kinakailangang tiyakin ng pamahalaan na mabibigyang kahalagahan at mape-preserve ang kultura ng bansa.
Dapat umanong bigyang pagkilala ang culinary tradition ng Pilipinas at dapat mabigyan ng promosyo upang masigurong maisasalin ito sa susunod na henerasyon.
Sa ilalim ng National Culture Heritage Act of 2009, kinikilala ang culinary tradition bilang bahagi ng cultural heritage sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.