Matinding pananakit ng katawan dinanas ng 71-anyos na dayuhang madre na inaresto ng BI

Inquirer Photo | Julie Aurelio

Dumanas ng matinding pananakit ang inarestong dayuhang madre na si Sister Patricia Fox habang nasa kostodiya ng Bureau of Immigration.

Hindi kasi naturukan ng gamot para sa kanyang sakit sa buto si Sister Fox, ang Australyanong madre na hinuli ng mga ahente ng BI.

Pinalala pa ang matinding pananakit ang magdamag na pagkakaupo ng 71-anyos na madre sa loob ng kanyang holding room sa Immigration office sa Intramuros dahil walang naibigay na higaan sa kanya.

Hindi rin maayos na nakakain si Sister Fox dahil marami ang pagkain na bawal sa kanya dahil sa kanyang karamdaman.

Isang madre at ang kanyang personal nurse ang magdamag na nagbantay kay Sister Fox.

Bagamat ipinag utos na ng Inquest Prosecutor ang pagpapalaya kay Sister Fox hindi pa rin pumayag ang Immigration Bureau na makauwi ito dahil kailangan ang kanyang passporte.

Uuwi si Sister Fox sa Australia sa darating na Mayo 1 kayat ang kanyang pasaporte ay nasa travel agency na nag asikaso ng kanyang biyahe.

Binansagan ng Immigration Bureau na undesirable alien si Sister Fox dahil sa pagsama nito sa kilos-protesta at ito ay paglabag sa batas ng Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...