Penal system ng bansa, pag-aaralan ni Dela Rosa sa pag-upo niya bilang hepe ng BuCor

By Mark Makalalad April 17, 2018 - 11:54 AM

Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia

Target ni outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa na pag-aralan ang penal system ng bansa.

Ito ay kaugnay sa nakatakdang pag-upo nila bilang hepe ng Bureau of Corrections sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Dela Rosa, batid nya na iba ang istilo ng pamumuno ang dapat sa BuCor dahil hindi ito katulad ng PNP na naka-focus sa war on drugs.

Paliwanag ng opisyal, titingnan nya ang mga dapat ayusin sa ahensya.

Giit nya na kaya nagkakaroon ng problema sa iligal na droga ay dahil sa may mali sa correctional system, bagay na kailangan na aniyang masolusyunan.

Samantala, muli namang iginiit ni Bato na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang mga nagawa bilang hepe ng pambansang pulisya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Corrections, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, Bureau of Corrections, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.