Umano’y pagsira sa mga mahahalagang dokumento sa DOJ pinaiimbestigahan ni Justice Sec. Guevara

By Ricky Brozas April 17, 2018 - 11:25 AM SHARE(S):

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na aalamin niya kung sino ang nagbigay ng kautusan na sirain o i-shred ang sinasabing mahahalagang dokumento sa Department of Justice (DOJ).

Iimbestigahan din aniya nila kung anong mga dokumento ang sinasabing sinira ni dating Justice sec. Vitaliano Aguirre nang mag-impake ito sa DOJ.

Tiniyak din ni Guevarra na tatanungin niya si Aguirre hinggil sa nasabing ulat.

Una nang tinawag ni Aguirre na malisyoso ang pagkakasulat ng naturang balita.

Aniya, wala rin siyang inutusang tauhan para mag-shred ng mga dokumento sa huling araw niya sa DOJ.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: department of justice, Menardo Guevarra, Radyo Inquirer, department of justice, Menardo Guevarra, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.