Dela Rosa, handang harapin ang mga kasong isasampa sa kaniya pagbaba niya sa pwesto

Hindi natitinag si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga kaso na posibleng isampa sa kanya ng mga kritiko ng war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Dela Rosa, handa syang harapin ang anumang kaso at kumpyansa siyang mapagtatagumpayan nya ito.

Kumbinsido rin daw sya na sasamahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahit anung sitwasyon na maari nilang kaharapin.

Matatandaang kamailan ay inatasan ng Korte Suprema ang PNP na magsumite ng kanilang case folders kaugnay sa 4 libong patay sa ilalim ng giyera kontra droga.

Bagay na una ng tinutulan ni Dela Rosa dahil sa malalagay sa peligro ang mga pulis na involved sa mga operasyon at maging ang kanilang mga pamilya sa possibleng paghihiganti ng mga drug syndicates kung mabubunyag ang kanilang mga pangalan.

Kahapon, sinabi ni Dela Rosa na ang kampanya kontra droga ng pamahalaan ang itinuturing nyang tagumpay, sa pamamagitan kasi umano nito ay naibalik ang tiwala ng publiko sa PNP.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...