47 katao naapektuhan ng chemical leak sa Davao

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 17, 2018 - 09:52 AM

Aabot sa 47 na katao kabilang ang mga bata ang naapektuhan ng chemical leak sa Barangay Sasa sa Davao City.

Ayon kay Sr. Insp. Ma. Teresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao City police, Lunes ng hapon nang maamoy ng mga residente sa Purok Senior Sto. Niño ang mabaho at masangsang na amoy.

Matapos ito sumama na ang pakiramdam ng mga residente na agad inilikas ng mga tauhan ng Central 911.

Nang magsagawa ng imbestigasyon, natagpuan ng mga pulis ang 15 bote ng Jalem 500 EC na isang agricultural chemical na nakabaon sa isang private compound sa lugar.

Mababaw lang ang pagkakabaon sa mga bote dahilan para sumingaw ito at maamoy pa din ng mga residente makaraang mabasag ang isa sa mga bote.

Nalinis na ang lugar mula sa mga kemikal at ang mga bote ay inilagay sa selyadong lalagyan at dinala sa Environmental Management Bureau (EMB) para magsagawa ng proper disposal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: chemical leak, Davao City, Radyo Inquirer, chemical leak, Davao City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.