May mabibili nang bigas na P39 kada kilo ang halaga sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Litex Market sa Quezon City, dumating ang suplay ng bigas na bahagi ng “Tulong sa Bayan” mula sa mga rice traders sa Nueva Ecija Lunes ng hapon.
Ngayong umaga ito nagsimulang ibenta sa dalawang tindahan ng bigas sa nasabing palengke.
Commercial at well milled ang bigas at maganda ang klase.
Katunayan ayon sa isa sa tindero, kung sa normal na presyuhan maaring ibenta ang nasabing bigas ng P41 hanggang P42 kada kilo.
Maliban sa Litex Market, mayroon na ring mabibiling “Tulong sa Bayan” na bigas sa ilang bigasan sa Tondo Maynila.
Hanggang sa tatlong kilo lamang ang pwedeng bilhin ng mamimili para mabigyang pagkakataon ang mas marami na makabili ng murang bigas.