Mga tauhan ng NAIA na sangkot sa panibagong nakawan sa NAIA, masisibak sa serbisyo ayon sa Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na masisibak sa pwesto ang sinumang tauhan ng Ninoy Aquino International Airport na responsable sa panibagong kaso ng nakawan sa paliparan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng mga pagnanakaw sa airport lalo na kung ang nabibiktima ay isang Overseas Filipino Worker.
Base sa viral video sa Facebook, isang OFW ang nagrereklamo na binuksan at pinagnakawan ang kanyang maleta.
Batid aniya ng publiko na agad na nagagalit ang pangulo kapag nilalapastangan ang isang OFW dahil mistulang siya na rin ang nilalapastangan nito.
“Boljak, boljak na naman iyan kung sino ang responsable diyan sa nakawan na iyan. Alam ninyo naman ang Presidente, lalung-lalo na ang OFW, huwag ninyong lalapastanganin iyan dahil parang nilapastangan ninyo na ang Presidente dito. Boljak na naman po iyan. Baka naman hindi. Let’s give them the benefit of the doubt. Pero kung nakawan na naman iyan, naku nakita ninyo naman ang reaksiyon ng ating Pangulo. Hindi po papayagan iyan dahil ang ating mga OFWs, iyan po ay mga bayani ng ating bayan,” ayon kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.