Babae patay matapos masagasaan ng SUV sa Maynila

By Justinne Punsalang April 17, 2018 - 06:19 AM SHARE(S):
Kuha ni Justinne Punsalang

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang babae matapos na mabangga ng isang SUV sa kahabaan ng southbound lane ng Roxas Boulevard na sakop ng lungsod ng Maynila.

Kinilala ang biktima na si Geraldine Villaruel, 33 taong gulang.

Ayon sa boyfriend ni Villaruel na si Jayson Antonio, papauwi na sila at nagulat na lamang siya nang biglang tumawid ito ng kalsada.

Nagkataon naman na mabilis ang takbo ng sasakyan, dahilan upang mabundol si Villaruel.

Dahil sa lakas ng impact ng pagbangga ay nawasak ang harapang bumper at nabasag rin ang windshield ng SUV.

Depensa naman ng driver ng SUV na si Christopher Del Monte, naka-green light na ang mga sasakyan nang biglang tumawid si Villaruel.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Manila Traffic Bureau tungkol sa aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, manila, roxas boulevard, suv, accident, manila, roxas boulevard, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.