Listahan ng mga barangay officials na sangkot sa drugs, dapat nang ilabas ayon sa DILG
Naniniwala si Department of Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año na panahaon na upang pangalaman ang mga barangay officials na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon kay Año, magandang panahon ito lalo na at nalalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Makatutulog anya ito upang makapamili ng maayos ang mga botante kung sino ang kanilang ibobotong lider sa kanilang mga lugar.
Kaugnay nito, nagpahayag ng kahandaan ang opisyal na makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa pagsasapubliko ng druglist ng mga barangay officials.
Hindi naman sang-ayon sa panukala ni Año si incoming PNP Chief Oscar Albayalde sapagkat ayon dito dapat maging maingat sa paglalabas ng mga pangalan dahil maaring magamit ito sa pamumulitika.
Kailangan ayon kay Albayalde na dumaan ang paglalabas ng listahan sa due process at magkaroon ng validation bago ito isapubliko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.