Dollar remittance ng mga OFW, patuloy sa pagtaas

Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang patuloy na paglobo ng dollar remittance ng mga expatriates Filipinos noong nakalipas na buwan ng Pebrero.

Ayon kay Bangko Sentral ng PIlipinas Governor Nestor Espenilla Jr., umakyat sa $2.5 billion ang personal remittance ng mga Pinoy sa ibang bansa noong February 2018 na mas mataas ng 5.4 percent sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Dahil dito, umabot na sa $5.2 billion ang dollar remittance sa unang dalawang buwan ng taon.

Samantala, nakapagtala naman ng 4.5 percent na paglago kumpara noong nakalipas na taoan ang cash remittance ng mga Overseas Filipino Workers sa mga bangko noong buwan ng Pebrero kung saan umabot ito ng $2.3billion.

Sa unang dalawang buwan ng taon, umabot na sa $4.6 billion ang cash remittance kung saan mas mataas ito ng 7.1 percent kumpara sa $4.3billion noong nakalipas na taon.

Paliwanag ni Espenilla, ang nasabing halaga ay mula sa land at sea-based workers.

Ang Estados Unidos, UAE, Germany at Malaysia anya ang major contributors sa paglobo ng cash remittance sa nasabing buwan.

Read more...