Paninira ng mga dokumento sa DOJ itinanggi ni Ex-Sec. Aguirre
Tinawag na malisyoso ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang sinasabing utos niya sa kanyang mga staff na wasakin ang mga dokumento sa kanyang tanggapan bago siya naghain ng kanyang resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Aguirre, walang katotohanan ang mga lumalabas na balita na inatasan niya ang kanyang mga tauhan na i-shred ang mga dokumento sa huling araw niya sa trabaho.
Gayunman, sinabi nito na kung totoo man na nagkaroon ng shredding ng mga dokumento ayon kay Aguirre ito ay normal sa anumang tanggapan, pampubliko o pribado.
Sa panig naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi nito na hindi pa niya nakikita ang mga larawan na kumakalat sa social media kung saan may mga plastic bags na naglalaman ng mga sinirang dokumento galing sa opisina ni Aguirre.
Nauna rito, sinabi ni Guevarra na kanyang paiimbestigahan ang nasabing balita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.