Sen. Lacson determinadong hindi pumirma sa committee report kaugnay sa Dengvaxia

By Erwin Aguilon April 17, 2018 - 03:51 AM

Nanindigan si Senator Panfilo Lacson na hindi siya lalagda sa Senate Blue Ribbon Committee Report na nagrerekomenda sa pagsasampa ng kaso laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang dating opisyal kaugnay sa dengvaxia vaccine.

Ito ayon kay Lacson ay kasunod ng mga hindi makatwirang pahayag laban sa kanya ng pinuno ng komite na si Senator Richard Gordon.

Sinabi ni Lacson na na-offend siya sa naging pahayag ni Gordon kaugnay sa pagkontra nito sa committee report at ang idinahilan ng pinuno ng komite ay ang pakikipagkaibigan nito sa dating pangulo.

Ayon kay Gordon, tinulungan ni Aquino si Lacson habang ito ay nagtatago sa batas noong panahon ng administrasyong Arroyo.

Bukod dito, naging miyembro din ayon kay Gordon ng Aquino administration matapos itong italagang rehabilitation czar sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Yolanda.

Paliwanag ni Lacson, bagama’t hindi siya dumalo sa mga pagdinig kagaya ng ibang mga senador mataman naman niyang minomonitor ang proseso nito.

Iginiit nito na si Gordon na pinangungunahan ni Gordon ang pagdinig upang palabasin ang gusto nitong mangyari sa umpisa pa lamang.

TAGS: Dengvaxia, ping lacson, Dengvaxia, ping lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.