Mahigit 200 daang drug suspects, napatay mula ng ibalik ng PNP ang Oplan Tokhang
Mahigit dalawang daang drug suspects ang napatay habang mahigit 19,000 drug personalities ang naaresto sa mahigit 12,000 na mga operasyon mula ng ibalik ng Philippine National Police ang Oplan Tokhang noong December 2017.
Sa kanyang press briefing bago bumaba sa pwesto, sinabi ni Outgoing PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, malapit sa kanyang puso ang war on drugs dahil sa epekto nito sa buhay ng mga tao.
Ito anya ang dahilan kaya naging pursigido ang PNP sa Tokhang.
Hanggang noong April 13, nasa kabuuang 19,086 ang nahuling drug suspects sa mahigit 12,000 na magkakahiwalay na anti-illegal drug operations.
Pero sinabi ni General Bato na hindi naging madali ang kampanya kontra droga dahil nalagay sa panganib ang mga pulis sa harap ng mga armadong drug suspects.
Dahil aniya rito ay napilitan ang mga pulis na gumamit ng rasonableng pwersa na nagresulta sa 207 na mga pulis na namatay.
Pinuri ni Dela Rosa ang top four perforning police regional offices sa pangunguna ng National Capital Region Police Office, Police Regional Office 4-A, Police Regional Police Office 3 at Police Regional Police Office 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.