Ayon kay Barbers ito ay upang tuluyan nang mapatay ang droga sa Pilipinas.
Sinabi nito na isang problemang pandaigdig ang iligal na droga.
Iginiit nito na dapat mapigilan ang pagpasok nito sa border ng bansa.
Tiyak anya na kapag napalakas ang koordinasyon sa mga international agencies ay pa ang mahuhuling dayuhan na sangkot sa iligal na droga sa bansa.
Magkakatuwang sa ganitong responsibilidad ang mga bansa lalo na sa Asya para tuluyang masawata ang iligal na droga.
Pahayag ito ng mambabatas, kasunod ng raid na ginawa ng PDEA sa mga natuklasang drug laboratories sa Batangas at Malabon.