Koordinasyon ng PDEA sa iba pang international agencies dapat palakasin – Rep. Barbers
Hinikayat ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers ang Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA na palakasin pa ang kanilang koordinasyon sa mga international agencies ng mga kalapit na bansa.
Ayon kay Barbers ito ay upang tuluyan nang mapatay ang droga sa Pilipinas.
Sinabi nito na isang problemang pandaigdig ang iligal na droga.
Iginiit nito na dapat mapigilan ang pagpasok nito sa border ng bansa.
Tiyak anya na kapag napalakas ang koordinasyon sa mga international agencies ay pa ang mahuhuling dayuhan na sangkot sa iligal na droga sa bansa.
Magkakatuwang sa ganitong responsibilidad ang mga bansa lalo na sa Asya para tuluyang masawata ang iligal na droga.
Pahayag ito ng mambabatas, kasunod ng raid na ginawa ng PDEA sa mga natuklasang drug laboratories sa Batangas at Malabon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.