Mga produktong petrolyo, may taas-presyo ngayong araw

By Erwin Aguilon April 17, 2018 - 01:13 AM SHARE(S):

Magpapatupad ng price increase sa kanilang produktong petrolyo ang iba’t-ibang kumpanya ng langis ngayong araw.

Sa anunsyo ng mga oil companies, 35 sentimo bawat litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, 55 sentimo naman sa bawat litro ng diesel at 80 sentimo naman sa kerosene.

Sinabi ng mga oil companies na epektibo ang pagtataas nila ng presyo simula alas sais ng umaga.

Ang taas presyo ay dahil pa sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Noong nakalipas na linggo, nagbawas naman sa kanilang presyo ang nasabing mga kumpanya ng langis.

TAGS: oil price, oil price

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.