Sunog sa Parañaque, fire out na

By Justinne Punsalang April 17, 2018 - 01:12 AM

Makalipas ang halos 5 oras ay idineklara nang fire out ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Ayon kay Fire Superintendent Robert Pacis ng Parañaque Fire Department, nasa 100 pamilya na mga informal settlers ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Alas-5:06 ng hapon nang sumiklab ang sunog na sa kalagitnaan ng pag-apula dito ng mga bumbero ay umalingawngaw pa ang isang malakas na pagsabog.

Alas-9:40 na ng gabi nang ideklara ang fire out ng mga otoridad at tinatayang aabot sa ₱100,000 ang kabuuang pinsala dahil sa pagliliyab.

Samantala, maswerte namang walang naitalang nasugatan o nasawi dahil sa nangyaring sunog.

TAGS: Fire out, paranaque city, residential area, sunog, Fire out, paranaque city, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.