Ex-Sen. Jinggoy Estrada, hiniling isyuhan ng show cause order ng Sandiganbayan dahil sa “fake” invitation letter
Hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan 5th Division na pagpaliwanagin si dating Senador Jinggoy Estrada kung bakit hindi ito dapat i-cite in contempt dahil sa pagsusumite ng pekeng invitation letter na kasama ng kanyang motion to travel abroad.
Base sa isinumiteng Supplemental Motion for Reconsideration with prayer for a show cause order na isinumite ng prosekusyon iginiit nito na mapanlinlang ang mosyon ni Estrada.
Kasama sa mosyon ng Ombudsman na isinumite sa anti-graft court ang liham mula sa US Pinoys for Good Governance o USPGG kung saan itinatanggi ng mga ito na kainilang inimbitahan ang dating senador sa kanilang general assembly meeting sa May 30 ng kasalukuyang taon.
Sa liham ng USPGG, sinabi ng mga ito na walang programa na ginawa para sa nasabing event bukod pa sa nasa PIlipinas ang Michigan Chapter head ng mga ito.
Dahil hindi, iginiit ng prosekusyon na i-hold ang travel authority na inisyu nito kay Estrada noong March 26.
Bukod sa sinasabing pagdalo sa pagtitipon nga mga Pinoy nakasaad sa mosyon ni Estrada na magpapatingin ito sa orthopedic surgeon sa Standford Hospital gayundin napangakuan nito ang kanyang anak na magbabakasyon sila sa Estados Unidos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.