71 taong gulang na Australian nun, inaresto ng BI

By Erwin Aguilon April 17, 2018 - 12:07 AM

Courtesy of CBCP News

Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang 71-anyos na human rights advocate na madreng Australian citizen na si Sr. Patricia Fox Lunes ng tanghali sa kanyang bahay sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng BI inaresto ng kanilang mga tauhan si Sr. Fox, superior ng Notre Dame de Sison sa Pilipinas sa bisa ng mission order na ipinalabas ni Commissioner Jaime Morente.

Tinatapos pa anya ng mga umaresto kay Sr. Fox ang kanilang report at documentation process at ito ang kanilang hihintayin bago magpalabas ng opisyal na pahayag.

Sinabi naman ni Fox na anim na mga tauhan ng BI ang dumating sa kanyang bahay sa Project 2, Quezon City lulan ng dalawang sasakyan.

Si Fox ay mayroong missionary visa at 27 taon nang naninirahan sa PIlipinas kung saan balido ito hanggang September 2018.

Ayon naman kay Atty. Jobert Pahilga, inirekomenda na ng fiscal ang pagpapalaya rito at imbestigahan pa ito sapagkat hindi kinakitaan ng probable cause ang patuloy nitong pananatili sa kustodiya ng BI.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.