Mayor Junjun Binay, pinasisibak na ng tuluyan ng Office of the Ombudsman

mayor junjun binayPinasisibak na ng tuluyan ng Office of the Ombudsman si suspended Makati City Mayor Junjun Binay sa puwesto.

Ito ay kaugnay sa kasong graft na kinakaharap ni Binay sa Ombudsman hinggil sa maanumalyang pagpapatayo ng Makati Parking Building. “I ordered the dismissal of Mayor Binay, Junjun Binay, for grave misconduct and dishonesty. What goes with this is, perpetual disqualification from holding public office and forfeiture of retirement benefits,” sinabi ni Morales.

Ayon kay Ombudman Conchita Carpio-Morales, napatunayan na nagkaroon ng grave miscondiuct at dishonesty sa panig ng nakababatang Binay dahil may iregularidad sa ilang phase ng ipinatayong gusali.

Maliban sa pagsibak kasama din sa rekomendasyon na hindi na mapayagan si Junjun Binay na humawak sa anumang tanggapan sa gobyerno, at forfeiture ng lahat ng kaniyang mga benepisyo. “There had been some irregularities in the services, design, architecture, drawings, and all that, as well a the contract for the construction in several phases of the parking building,” dagdag pa ni Morales

Sinabi ni Morales na immediately executory ang desisyon ng Ombudsman.

Si Binay ay suspendido ngayon dahil sa hiwalay na kasong kinakaharap nito na may kaugnayan naman sa pagpapatayo ng Makati Science High School.

Read more...