P162M halaga ng cocaine, nakitang palutang-lutang sa dagat na sakop ng Camarines Sur

Nakitang palutang-lutang ng mga mangingisda ang nasa 27 kilo ng cocaine na nagkakalahagang P162M na nakalagay sa isang plastic container sa dagat na sakop ng Camarines Sur bandang 9:30 pm ng Linggo.

Base sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, ay nakita ng mga mangingisdang sina Jhony Merluza, 39; Ruben Yanela, 40; Ricky Coros, 36; at Cecilio Amargo, 45 na pawang mga residente ng Bgy. Pinagtubigan Este, Perez, Quezon ang nasabing plastic container.

Nang siyasatin ng mga mangingisa ang naturang container ay bumungad sa mga ito ang 27 na pakete ng hinihinalang ilegal na droga.

Iniulat ang nasabing container kay Barangay Captain Leonardo Reyes na agad namang ipinagbigay-alam sa Perez Police Station ng sumunod na araw.

Dinala na sa Quezon Provincial Crime Laboratory Office ang mga hinihinalang droga para masuri at kalaunan ay nagpositibong ilegal na droga na cocaine.

Read more...