Aquino ipinagtanggol ni De Lima sa isyu ng Dengvaxia vaccine

By Jan Escosio April 16, 2018 - 08:24 PM

Kinuwestyon ni detained Senator Leila de Lima ang tunay na motibo ni Sen. Richard Gordon nang buhayin pa nito ang naging isyu kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa ginawa nitong ulat ukol sa Dengvaxia scandal.

Sinabi ni de Lima na ang pagbanggit ni Gordon sa kanyang Dengvaxia report na hindi dinalaw ni Aquino ang mga nasawing 44 SAF Commandos sa Mamasapano massacre ay malinaw na ang kanyang ulat ay isang anti-Aquino manifesto.

Giit ng senadora, malisyoso ang pagkakaugnay ng Mamasapano massacre sa Dengvaxia scandal kaya’t malinaw na ang ulat ni Gordon ay banat lang sa dating pangulo.

Dagdag pa ni De Lima na ipinagtataka din niya kung bakit hindi nabanggit sa report ang mga naging pahayag ni Aquino na tila aniya pagpapakita na hindi dumalo ang dating pangulo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon.

Umaasa naman si Gordon na makakakuha ng sapat na lagda ng mga kapwa mambabatas ang ginawa niyang committee draft report kaugnay sa pagpapanagot sa ilang mga personalidad sa Dengvaxia vaccine controversy.

TAGS: Aquino, de lima, Dengue, Dengvaxia, Gordon, Aquino, de lima, Dengue, Dengvaxia, Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.