PNP Chief Dela Rosa binigyan ng pagkilala sa kanyang pagbaba sa pwesto

By Mark Makalalad April 16, 2018 - 06:57 PM

Photo: Mark Makalalad

Nagsagawa ng testimonial parade ang Philippine Military Academy (PMA) para kay outgoing Philippine National Police (PNP) Director General Ronald Dela Rosa sa Fort del Pilar sa Baguio City.

Sa naturang seremonya, ginawaran ng PMA ng Outstanding Alumnus Award si Dela Rosa.

Ito ay parangal sa mga miyembro nilang nagkaroon ng mataas na katungkulan sa pamahalaan katulad ng pamumuno sa hanay ng PNP.

Sa kanya namang talumpati, nagpasalamat si Dela Rosa sa Diyos, sa kanyang pamilya, mga mistah at sa media na nakatuwang nya sa kanyang panunungkulan.

Nagpasalamat din sya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil binigyan sya ng break at siya ang naging unang hepe ng PNP mula sa Mindanao.

Binalikan rin ni Dela Rosa ang mga alaala noong nagsisimula pa lang siya sa akademya at mga pagsubok na dinaanan nya.

Pagmamalaki nya, kahit anong hirap hindi nya binali ang kanilang honor code kaya mensahe niya sa mga kadete ng PMA ay sumunod din sa honor code.

Nakatakdang lisanin ni Dela Rosa ang kaniyang pwesto sa April 19 para magbigay daan sa bagong talagang magiging pinuno ng PNP na si NCRPO Director Oscar Albayalde.

Sa loob ng 36 na taong paninilbihan, maraming parangal na ang natanggap ni Dela Rosa na kabilang sa PMA ‘Sinagtala’ Class 86.

Nakilala sya sa bansag na ‘Bato’ at sa kanyang Oplan Tokhang at Oplan Barrel na naging pangunahing kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa pambansang pulisya ay magpapahinga muna siya at maglalaan ng ‘quality time’ para makasama ang kanyang pamilya.

Si Dela Rosa ang ika-21 hepe ng PNP at manunungkulan bilang bagong hepe ng Bureau of Corrections makaraan ang appointment sa kanya ng pangulo.

TAGS: bato dela rosa, Bilibid, PMA, PNP, bato dela rosa, Bilibid, PMA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.