Panukala para sa mandatory vacation fare discount sa mga mag-aaral isinulong sa Senado

By Jan Escosio April 16, 2018 - 04:54 PM

Inquirer file photo

May panukala si Senator Sonny Angara na palawigin na ang ibinibigay na diskuwento sa pasahe sa mga estudyante.

Nakapaloob sa Senate Bill No. 1597 na dapat maging sa dalawang buwan na bakasyon sa eskuwela ay ibinibigay pa rin sa mga estudyante ang 20-percent discount
sa pasahe.

Giit ni Angara, kapag naibigay ito ay mas magiging masaya ang bakasyon ng mga estudyante na gusto lang makapasyal sa ibang lugar sa pamamagitan ng eroplano at barko.

Aniya ang pagbibigay diskuwento sa pasahe sa mga estudyante ay base lang sa isang memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi pa nito na ang matitipid sa pasahe ay maaring maidagdag sa enrollment at pagbili ng mga gamit pang eskuwela ng mga mag-aaral.

TAGS: Angara, discount, Jeepney, Senate, vacation, Angara, discount, Jeepney, Senate, vacation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.