Manny Pacquiao, posibleng mapasama sa LP line-up

By Jan Escosio October 09, 2015 - 04:54 PM

UntitledInamin ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas na nagka-usap sila ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao kamakalawa ng gabi.

Hindi itinanggi ni Roxas na posible na makasama sa kanyang senatorial line-up ang pambansang kamao.

Ang pag-uusap ng dalawa ay naganap ilang oras matapos ideklara ni Pacquiao ang kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa paparating na halalan sa Mayo.

Samantala, nilinaw ni Roxas na hindi emergency meeting ang pag-uusap nila kagabi ni Pangulong Noynoy Aquino dahil aniya regular naman silang nagpupulong.

Sinabi nito na ang pag-alis ni Francis Tolentino sa kanilang line-up ang naging topic of discussion at kung sino ang papalit sa slot na nagbitiw na pinuno ng MMDA.

Nagpahiwatig ito na may dalawa pang slot sa kanilang line-up dahil na rin sa nais ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na manatili na lang muna sa kanyang kasalukuyang posisyon.

Ayon kay Roxas kung pamilya ang dahilan ng pag-atras ni Bautista ay mabigat ito sa katuwiran na mahirap sumabak sa isang laban na hindi buo ang suporta mula sa pamilya.

Kaugnay pa nito, itinanggi ni Roxas ang lumabas na ulat sa isang pahayagan na hindi pa talagang sigurado na mapapasama sa kanyang line-up si reelectionist Senator TG Guingona.

TAGS: LPSenatorialslate, MannyPacquiao, LPSenatorialslate, MannyPacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.