Executive order kontra Endo tiniyak ng Malacañang na lalagdaan ng pangulo

By Chona Yu April 16, 2018 - 04:40 PM

Maaring lagdaan na ni Pangulong Duterte bago o sa mismong Labor Day sa May 1 ang isang executive order na nagbabasura sa end of contract o Endo.

Inamin ng Malacañang na hindi pa malalagdaan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order laban sa kontraktuwalisasyon.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pursigido ang pangulo na tuparin ang ang kanyang pangako sa taong bayan noong panahon ng kampanya na tutuldukan niya ang Endo.

Umaapela naman si Roque na maiging maghintay hintay lamang ng maiksing panahon at lalagdaan din ng pangulo ang nasbaing E.O.

Ito ay kahit wala aniya sa kalendaryo ng palasyo na lalagdaan na ng pangulo ang nasabing kautusan taliwas sa mga pahayag ng iba’t ibang labor group.

Nauna nang sinabi ni Alex Tanjusay ng Associated Labor Unions- Trade Union Congress of the Philippines, o ALU-TUCP na sa araw na ito pipirmahan ng pangulo ang kautusan nitong tigilan na ang Endo.

Maari aniyang hindi pa agad na nalagdaan ng pangulo ang E.O dahil nakapaloob ito sa isang tripartite agreement.

Nangangahulugan ito na mayroong pagkakaisa ang gobyero, ang mga employer at ang sektor ng paggawa.

TAGS: duterte, endo, Labor Day, Roque, TUCP, duterte, endo, Labor Day, Roque, TUCP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.