Partnership ng Facebook, Rappler at Vera Files hindi nagustuhan ng Malacañang

By Chona Yu April 16, 2018 - 03:37 PM

Nababahala ang Malacañang sa pagpili ng Facebook Asia-Pacific Division sa Rappler at Vera Files bilang partner para sa fact-checking program o bilang tagasuri ng mga fake news.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat na putaktihin ng mga tagasuporta ng pangulo ang Facebook at sabihin na mali ang kanilang napiling third party verifier na sumuri sa mga fake news.

Iginiit pa ni Roque na mismong ang Rappler ang nagpapakalat ng mga mga maling balita at impormasyon.

Inihalimbawa pa ni Roque ang kanyang sarili na nabiktima ng fake news ng Rappler dahil sa isinulat na balita na bawal daw na magsagawa ng scientific research ang mga Filipino sa Benham Rise gayung ang kanyang sinabi ay hindi na kinakailangan na kumuha ng permiso ang mga Pinoy researcher para gawin ito.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Undersecretary for New Media Lorraine Badoy na magpoportesta ang PCO sa pagpili ng Facebook sa Rappler at Vera Files.

May ginagawa na aniyang hakbang ang kanilang tanggapan para makipagpulong sa Facebook.

TAGS: fact-verifier, Malacañang, rappler, Roque, vera files, fact-verifier, Malacañang, rappler, Roque, vera files

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.