Hindi na muna maglalabas ng policy statement ang Malacañang kaugnay sa ginawang airstrike ng U.S sa Syria.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay naka-focus ang gobyero sa pagbibigay prayoridad sa kaligtasan ng may isang libong
Filipino na nasa Syria.
Saka na lamang aniya gagawa ng policy statement ang Pilipinas kapag natiyak nang ligtas ang mga Filipino doon.
Iginiit pa ni Roque na miyembro ang Pilipinas sa United Nations.
Malinaw aniya na nakasaad sa Chapter 7 ng U.N Charter na maari lamang na gumamit ng puwersa ang isang bansa bilang self defense o kapag may basbas ito ng United Nations Security Council.
Ipinaliwanag pa ni roque na binabalanse aniya ng gobyerno ang sitwasyon ngayon sa pagitan ng U.S at Syria.
Matatandaang nagsagawa ng airstrike ang U.S-led forces sa Syria dahil sa paggamit umano nito ng chemical weapon.
Agad naman itong kinondena ng China at Russia sa pagsasabing hindi makatwiran ang nasabing hakbang laban sa Syria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.