Tiniyak ng palasyo ng Malacañang na lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order (EO) laban sa kontraktuwalisasyon bago o sa Araw ng Paggawa sa May 1.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, pursigido kasi ang pangulo na na tuparin ang kanyang pangako sa taumbayan noong panahon ng kampanya na tutuldukan niya ang end of contract o ENDO.
Umaapela naman si Roque na maiging maghintay-hintay lamang ng kaunting panahon at lalagdaan din ng pangulo ang EO laban sa endo.
Aminado si Roque na wala sa kanyang kalendaryo na ngayong araw na ito lalagdaan ng pangulo ang EO taliwas sa mga pahayag ng iba’t ibang labor group.
Sinabi kasi ni Alex Tanjusay ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na sa araw na ito pipirmahanng pangulo ang kautusan nitong tigilan na ang endo o end of contract ng mga manggagawa sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.