5, kabilang ang 4 na bata, patay sa nag-amok na lalaki

Nag-amok ang isang lalaki na ikinasawi ng lima katao sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang suspek na si Asdal Untong. Naganap ang insidente sa Barangay Libucon.

Ayon kay Chief Supt. Billy Beltran, direktor ng Western Mindanao Police Regional Office, pinagsasaksak ni Untong ang lima katao, kung
saan apat dito ang bata.

Napatay naman ng pulisya ang nag-amok na lalaki.

Hindi pa buo ang detalye ng Sirawai Muncipal Police Station ukol sa insidente dahil sa power outage. /

 

Read more...