Pagbabalik ng dignidad at integridad sa DOJ, target ni Sec. Guevarra
Bahagyang sira na ang Department of Justice (DOJ), ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Sa flag ceremony ng Kagawaran ngayong araw, sinabi ng bagong kalihim na malaki ang problema ng DOJ sa imahe at integridad nito. Aniya, mukha mang matatag, pero sira na ang loob ng kagawaran.
Sinabi ni Guevarra na target niya ngayong ibalik ang dignidad ng at respeto sa DOJ bilang pundasyon at hindi lamang haligi ng Justice system.
Kasabay nito, nanawagan si Guevarra sa mga empleyado ng DOJ na simulan na ang pagbabago sa kanilang mga paniniwala para unahin ang interes ng publiko kaysa pansariling interes.
Ayon kay Guevarra, prayoridad niya ang pagre-review sa mga naging hakbang ng DOJ, kabilang na ang kaso ng confessed drug trafficker Kerwin Espinosa, at umano’y pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.
Iginiit ng kalihim na walang lugar sa kanya ang pulitika.
Matatandaang bumaba sa pagiging kalihim ng DOJ si Vitaliano Aguirre II noong April 5 makaraang ibasura ng kagawaran ang ilang kaso laban sa ilang drug personalities./
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.