Mga tagaluto ng droga ang dapat makipagbarilan – Sen. Lacson

Hindi nangiming sinabi ni Senator Ping Lacson na ang dapat na lumalaban sa mga pulis sa mga anti-drug operations ay ang mganagluluto ng droga.

Katuwiran ni Lacson, mas nakakaperwisyo kasi sa mga kabataan ang mga drug chemist kumpara sa mga street-level pushers.

Ang pahayag na ito ng senador ay kaugnay sa magkasunod na pagkakadiskubre ng PDEA ng dalawang drug laboratories sa Ibaan, Batangas at Malabon City.

Sa dalawang operasyon, ilang banyagang ‘drug chef’ ang naaresto at daan-daan milyong pisong halaga ng mga kemikal sa paggawa ng shabu at ecstacy ang kinumpiska, bukod pa sa mga gamit sa pagluto ng droga. /

 

Read more...