Bagong biling helicopter ng PNP, binasbasan sa Camp Crame

By Mark Makalalad April 16, 2018 - 11:45 AM

Binasbasan ngayong araw ang bagong biling helicopter ng Philippine National Police.

Ito ang Bell 429 helicopters na isa sa tatlong helicopters na binili ng PNP sa halagang P435 milyon.

July pa sana ang nakatakdang delivery ng nasabing helicopter pero naging mas maaga ng tatlong buwan ang pagdating nito.

Si Ronald Dela Rosa ang unang pasahero ng bagong biling helicopter ng PNP at kanyang sinakyan papuntang Baguio para sa kanyang testimonial parade.

Samantala, sinabi naman ni Deputy Chief of Staff Police Deputy Director Archie Gamboa, kasama sa package ang dalawang linggong pagsasanay sa mga piloto ng PNP sa United States.

 

TAGS: Bell 429, dela rosa, helicopter, PNP, Bell 429, dela rosa, helicopter, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.