Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Assemblyman at tagapagsalita ng Lanao del Sur crisis management committee na si Zia Alonto Adiong, sinabi niya na hinihimok na ng Task Force Bangon Marawi ang Kamara na maipasa ang batas para sa mga residenteng apektado ng gyera.
Ayon kay Adiong, mayroon nang nakalaang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City, pero para lamang ito sa mga istruktura na pag-aari ng gobyerno. Aniya, hindi pa kasama sa pondo ang pagsasaayos ng mga pribadong establisyimyento sa lungsod.
Ipinahayag ni Adiong na para matulungan ang mga residente sa pagsasaayos ng kanilang mga establisyimyento, gaya ng kani-kanilang bahay at mga negosyo, dapat nang maipasa ang Reparation Act.
“That’s why ang Task Force Bangon Marawi, well, there is a budget for the reconstruction but it will not cover the private-owned businesses establishments, structures. So we need legislation, we need an act of Congress para ma-ensure in 2019 Genral Appropriations Act there will be a dedicated and specific allocation for the repair of the damaged properties,” ani Adiong.
Matatandaang P15 bilyon ang inilaang ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi City.