OFWs, hinikayat na paghandaan ang pagreretiro

Hinihikayat ni Senator Sonny Angara ang mga OFWs na isipin na ang kanilang pagreretiro. Aniya, maganda kung ilalagay ng mga OFWs ang kanilang pera sa PERA o itong Personal Equity Retirement Account (PERA), ang kauna-unahang voluntary retirement account sa bansa na may tax incentives.

Paliwanag ng senador, sa PERA ay maaring mag-impok nghanggang P200,000 ang isang OFW kada taon samantalang ang hindi OFW aylimitado lang sa P100,000 ang maaring maging kontribusyon.

Aniya, pagsapit ng retirement age na 55 ang lahat ng naihulog ay makukuha nang walang sisingilin na buwis, ito ay maaring buong makukuha, sapamamagitan ng pension o habang nabubuhay ang contributor.

Binanggit ni Angara na sa survey ng Bangko Sentral, 11% lang sa mga Filipino ang napaghandaan ang kanilang pagreretiro o pagtanda.

 

Read more...