Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa lalawigan ng Cagayan alas-3:43 kaninang madaling araw.
Batay sa impormasyong inilabas ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 39 kilometers South sa bayan ng Gonzaga.
May lalim itong 23 kilometro at tectonic ang dahilan.
Bunsod nito, naitala ang Intensity I sa Santiago City, Isabela, Laoag City at Ilocos Norte.
Wala namang napaulat na pinsala ngunit inaasahang makakaramdam ng aftershocks matapos ang pagyanig.
Una nang iniulat ng Phivolcs na may lakas na magnitude 4.6 ang naganap na pagyanig ngunit itinaas ito sa magnitude 5.4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.