Bio data at campaign platforms, hindi kailangang isama sa COC – Comelec
Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi kailangang isama sa Certificates of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang elections ang kanilang mga bio data at campaign platforms.
Ito ang sinabi ng ahensya matapos makatanggap ng mga tanong kung idinagdag ba ito bilang bagong requirement sa paghahain ng COC.
Ayon sa Comelec, walang ‘bearing’ ang mga naturang dokumento sa paghahain ng COC.
Iginiit ng ahensya na tatanggap ang Election officers ng COC forms mayroon o walang bio data at campaign platforms.
Gayunman anya sinabi naman ng Comlec na maigi na ring isama ng mga kakandidato ang mga naturang dokumento dahil makakatulong anila ito upang makapamili ng mas maayos na kandidato pagdating ng campaign period.
Matatandaang hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) kamakailan ang poll body na gawing requirement sa mga kakandidato ang resume o bio data.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.