Sen. Hontiveros, inilarawan si Duterte bilang ‘Marcos copycat’

By Rhommel Balasbas April 16, 2018 - 04:13 AM

Binanatan ni Sen. Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang banta nitong ipapaaresto ang International Criminal Court (ICC) prosecutor na si Fatou Bensouda at ang kanyang mga imbestigador sakaling pumunta ng Pilipinas para imbestigahan ang umano’y extra judicial killings sa ilalim ng war on drugs.

Sa isang pahayag, sinabi ni Hontiveros na dapat ihinto na ni Duterte ang mga aksyon nito na tila ay ‘copycat’ ni dating Pangulong Ferdinand Marcos partikular sa pananakot kay Bensouda.

Iginiit ng senadora na hindi akusado ang ICC prosecutor sa kahit anong kaso o walang anumang kinalaman sa nagaganap na patayan sa bansa.

Ayon kay Hontiveros, ang pangulo at ang kanyang mga kaalyado ang nahaharap sa kasong crimes against humanity sa ICC.

Makakatulong anya kung ihihinto na nito ang mga maaanghang na salita na tila ay pambabaliktad lamang sa mga bintang dito at layong ma-discredit ang ICC.

Ang mga pahayag anya ng pangulong tulad nito ay lalo lamang nagpapakita na ‘guilty’ si Duterte sa mata ng publiko ayon kay Hontiveros.

Wala anyang dapat ikatakot si Duterte kung inosente siya sa mga akusasyon at wala itong karapatang magpaaresto sa kahit kanino dahil ang kapanyarihan anya na ito ay nakaatang sa mga hukom sa ilalim ng Saligang Batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.