DOT, naglatag ng guidelines para sa accreditation ng media na magcocover ng Boracay rehab
Naglabas ang Department of Tourism (DOT) ng media accreditation guidelines para sa mga kawani ng media na nais i-cover ang rehabilitasyon ng Boracay island sa susunod na anim na buwan.
Ang access ng media ay isasailalim sa mga regulasyon habang nakasara ang isla kabilang ang dami ng personnel na papayagan lamang makapasok at kung hanggang saan lang ang pwede nilang puntahan.
Ayon sa DOT, 12 ang maximum na bilang na bibigyan ng accreditation sa kada television network habang lima naman kada radyo, pahayagan, newswire at online platforms.
Magsisismula ang media accreditation ngayong araw April 16 at tatagal ang processing sa tatlo hanggang limang araw ng paggawa o working days.
Ang aplikasyon para sa accreditation ay kailangang isumite sa website ng kagawaran.
Ang mga accredited media members ay kinakailangang magpresentang kanilang accreditation identification cards bago makapasok ng isla at kailangang suot ang IDs na ito sa lahat ng oras.
Magbibigay ang DOT ng kopya ng listahan ng accredited media sa security officers sa Boracay.
Samantala, sinabi naman ng DOT na maaari pang magbago ang guidelines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.