Pangulong Duterte hinihimok na gawing special non-working day ang May 14

Hinihiling ng Commision on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang special nonworking holiday ang May 14, 2018.

Ito ay kaugnay ng idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Batay sa kanilang Resolution 10301 na may petsang April 12, sinabi ng Comelec na dapat ay mabigyan ng oportunidad ang mga Filipino na pairalin ang kanilang karapatang makaboto.

Ang naturang resolusyon ay nilagdaan nina Comelec acting chairman Commissioner Al Pareno, at mga commissioners na sina Luie Guia, Rowena Guanzon at Sheriff Abas.

“Now, therefore, the Commission, by virtue of the powers vested in it by the Constitution, the Omnibus Election Code and other election laws, resolved, as it hereby resolves, to request the President of the Philippines, Rodrigo Roa Duterte, to declare May 14, 2018 as a special (nonworking) holiday throughout the country in connection with the synchronized barangay and sangguniang kabataan elections,” ayon sa resolusyon ng Comelec.

Read more...