Huling araw ng paghahain ng income tax returns ngayong araw

By Rhommel Balasbas April 16, 2018 - 04:05 AM

INQUIRER File Photo

Ngayong araw na ang huling araw ng paghahain ng income tax returns (ITRs) para sa taong 2017.

Dahil dito naghahanda na ang Bureau of Internal Revenue sa pagdagsa ng mga indibidwal at business taxpayers para maghain ng kanilang buwis.

Nag-utos si BIR Commissioner Caesar R. Dulay sa mga authorized agent bans (AABs) at revenue collection officers na huwag nang tumanggap ng mahuhuling ITR maliban kung may tatak na ‘late filing’ na may karampatang multa.

Hindi na palalawigin pa sa ika-5 ng hapon ng office hours ang paghahain ng ITR.

Para sa mga mahuhuli na maghain ng kanilang buwis, mahaharap ang mga ito sa kaukulang multa na 25% surcharge at may interes na 20% per annum.

Papayagan ang isang indibidwal na taxpayer na bayaran ang kanyang income tax liability sa dalawang installments.

Ang una ay kailangang bayaran sa kanyang paghahain ng ITR habang ang natitirang balanse naman ay kailangang mabayaran bago o mismong sa July 16, 2018.

Nagpaalala naman ang BIR na ang tax liabilities ng mga taxpayers ay nakabase pa rin sa old rate and schedule at ang rate sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) naman ay maipapatupad pa sa susunod na taon kung saan ihahain ang 2018 income.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.